Biyernes, Setyembre 4, 2015

Pasalubong

Handang-handa na ang lahat. Pati na rin ang mga pasalubong niya sa kanyang mga anak tulad ng chocolates at video games para sa kanyang anak na lalake , damit at mga sapatos para sa kanyang anak na babae , at syempre hinding-hindi niya makakalimutan ang pasalubong niya para sa kanyang pinakamamahal na asawa na isang mamahaling relo na siyang matagal na nitong gustong-gusto.

Hindi niya pinaalam sa kanyang mga anak o sa kahit sino na siya'y uuwi na ng pilipinas.Dahil ang gusto niya ay sorpresahin ang mga ito.Pagdating niya sa airport handa na ang lahat ng kanyang mga kailangan. Pumasok siya sa eroplano at umupo malapit sa may bintana.Habang lumilipad ang eroplano makikita sa kanyang mukha ang pananabik na makita muli ang kanyang pamilyang naiwan sa pinas at di nakita o nakasama ng sampung taon.

Pagdating sa airport ,kinuha niya muna ang kanyang mga bagahe.Lumabas agad siya at pumara ng taxi at binaba sa may Santa Mesa.Pagdating niya sa may labas ng kanilang bahay batid niya na , na maraming mga tao at parang ang lahat ay naka suot ng puting damit.Nakita niya rin na parang nasira ang ang motorsiklo ng kanyang asawa. Sa kanyang pag pasok ay doon hindi siya nakapag salita sa kanyang nakita at hindi man lang niya na ibigay sa kanila ang kanyang mga dalang pasalubong.

Biyernes, Agosto 28, 2015

Guro , gano ka nga ba kahalaga?

Sa tuwing pumapasok tayo sa paaralan tuwing umaga diba dapat maayos tayo at confident diba? Para kung dumaan si crush .. Oraaayt!!! Na inspired agad siya :D E pano kung di si crush ang dumaan? Pano kung yung guro mo na kung maka English talo pa si Meriam Defensor Santiago , kung makabigay ng assignment parang si Vice President Jejomar Binay at ito pa ha kung maka assume daig pa ang pangulo ng Pilipinas. 

Pero heto na , seryoso na talaga , wait lang ha , o heto na talaga promise .. Kahit minsan ba naisip natin na kung gaano kahirap ang mga sakripisyong ginagawa ng mga guro o ng mga nagsisilbing pangalawang magulang natin araw-araw? Yung mga sakripisyo nila para lang may matutunan tayo na bago na galing talaga sa kanilla. Tuwing gabi di natin alam minsan nakakalimutan na pala nilang kumain ng hapunan at bantayan ang kanilang mga anak sa pag tulog para lang gumawa ng mga visual aids bilang handa sa kanilang panibagong ituturo sa kanilang mga estudyante kinabukasan at sa pag gawa ng mga grades , minsan nga di sila nagbibigay ng mga mababang marka sa atin para lang di tayo bumagsak , tingnan mo? Ganun nila tayo kamahal.

Sa totoo lang , minsan di ko rin maintindihan ang mga guro , kasi minsan kung maka bigay sila ng mga pagsusulit grabe sobrang taas nahiya tuloy ang buhok ni Rapunzel sa sobrang taas. Pero aminin mo , nag enjoy ka naman diba? Kasi sa kahaba-haba ng inyong ginawang pagsusulit di maiiwasan na may makakakuha ng 18/50 o mas mababa pa dito , minsan pa nga pag nakakuha ka ng 0 , pero hindi mo kelangan mahiya. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ka nag iisa pare , ang dami niyo kaya :D mas masaya pa nga siguro yung mga taong nakakuha ng 0 kasi marami sila , yang ang tunay na PROUD.

Isa lang ang masasabi ko sa mga dakila nating mga guro , SALUDO ako sa inyo. Saludo ako sa inyong katatagan na turuan ang mga batang gustong matuto at mga batang may tig iisang pangarap sa buhay.Sa unang turo niyo palang sa kanila ang laking bagay na , ito ay dahil binigyan niyo na sila ng pag-asa na mangarap at ipagpatuloy ang takbo ng buhay. Para sa akin , di lang kayo basta mga guro namin , kayo na ang naging pangalawang magulang at syempre kayo ang bayani naming lahat. Maraming Salamat Po!